JL
Ayan ka nanaman
Nakatingin na parang meron kang pagtingin
Diyan ka magaling
Napapaniwala mo ako Sa isip mo ako ang
Tumatakbo takbo na lang papalayo
Pag andiyan ka na
Hindi na alam ang gagawin Kapag nawala na ang hangin
'Di na makahinga Kasi
Ako'y nalulunod
Hindi makaahon
Sabihin mo kung ano ba talaga kasi
Ano bang meron satin
Na hindi mo masabi
Kailan ko malalaman
Kung nalulunod ka na rin sa akin
'Di mo ba talaga pansin
Lahat ng ginagawa mo sa'kin ay iba ang dating
Sa alon sasabay
'Yan ang sinabi ko noon
Hanggang sa 'di alam na
Lumalangoy-langoy na lang
Sa dagat ng aking isipan
Hindi na alam ang gagawin
Kapag nawala na ang hangin
Di na makahinga
Kasi
Ako'y nalulunod
Hindi makaahon
Sabihin mo kung ano ba talaga kasi
Ano bang meron satin
Na hindi mo masabi
Kailan ko malalaman
Kung nalulunod ka na rin sa akin
Masasagip nga ba
O kakayanin ko na lang mag-isa
Ayoko malunod
Sa'yo ang naipon
Sabihin mo sa'kin kung ako ba talaga
Hindi ko na kaya
Sana 'di na umasa
Kung alam ko lang
Na ako lang ang malulunod
Sa alon mag-isa